FREE PRINTABLE BOOK: HEART TALK
HEART TALK
Sa lahat ng mga taong nagturo sa akin, ang iba man ay nanatili at iba ay nawala na ngunit ang mga aral ay maiiwan sa aking puso habambuhay.
Maraming Salamat.
Venice Quebral and Clariza Quinones Heart Talk © 2020 Self-published (venicequebral2017@gmail.com) All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, stored in a retrieval system, stored in a database and / or published in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording or otherwise, without the prior written permission of the publisher.
Table of Contents
Preface Reason for writing, word of thanks
CHAPTER ONE
SINUBOK. BUMANGON. NAGSULAT
“True love waits” - kapag naghihintay na may pananampalataya, may katapatan at pagtitiis. Ang taong nagmamahal ng tunay siya yung nakasalig yung pagmamahal na ginagawa niya ayon sa Bibliya. Maaaring ang lahat ng sakit na nararanasan niya sa taong minahal niya noon ay paghahanda lamang para sa taong nakalaan talaga sa kaniya na ang ibubunga ay nag-uumapaw na kasiyahan.
“Love is a choice” Para sa akin ang pagmamahal ay isang pagpili. Pi mo ang taong iyong mamahalin at dapat panindiganan mo yung taong yun dahil siya ang pinili mo, naramdaman mo kasi na siya ang bigay ng Ama sa iyo, wala sa tagal o bilis magmula nung nagkakilala kayo, pero nasa pananampalataya na siya ang nuo'y hinihingi mo sa Diyos na taong makakasama mo sa paglilingkod habang buhay.
“Perks of having siblings”
They can be your best friend or worst enemy
They can act as your mom and dad
They are the best companion
They can give you the best gifts!
You can ask for money anytime
and you can use their clothes too
I love my siblings
They are the best human beings in my world!
“Uncomfortable feelings”
Sadness
Frustrations
Pain
At iba pang katulad nito
Kailangan mong tanggapin
Sabi nga "uncomfortable feelings demand to be felt"
Recognize it
Accept it
Adapt with it
Then
LET GO and
LET GOD
PLANO
Naniniwala ako na kapag nagplano tayo at ginusto natin na makuha yon at gagawin natin lahat para makuha iyon ay makakamit na tin iyon. Kapag may failures at may struggles, huwag agad mag-give up baka hindi iyon ang kalooban ng Diyos. Maaring ibang paraan ang dapat mong gawin para makapunta sa paroroonan mo o may mas magandang plano na Siya para sa iyo. Kaya laging iugnay ang mga balakin mo sa Ama at gawin ang parte mo upang tulungan ka Niya.
How to start your day?
Simulan ang araw ng isang panalangin. Magpasalamat dahil dinugtungan ulit ng Diyos ang iyong buhay.
Maging masaya ka. Live one day at a time.
Spend time with your loved ones.
Be the best that you can be.
Decluttering Life
Simply as KONMARI METHOD...
You will throw the things that doesn't make you happy anymore. That's it.
Stay with those people that make you feel better and help you reach your dreams!
Detox your inner circle.
Cut bridges with those people who made you feel worse
and made you doubt yourself.
Keep your head high!
Make YOU your priority and
Don’t be afraid to declutter.
You become what you think about
Maging maingat tayo sa ating mga iniisip.
Ito yung naghuhubog ng ating mga ginagawa sa araw-araw
at nasasalo ng puso ang lahat ng mga naiisip mo.
Kaya kung magiiisip ka, yun nang mga magaganda,
mga nakakapagpasaya sa iyo, mga bagay na makakatulong
sa iba at pati na rin mga goals and vision mo in life.
Sikaping laging malinis ang puso at isipan at laging tatandaan na higit na mabuti ang iba kaysa sa iyo para hindi ka magmalaki at magmayabang.
Keep on believing in yourself!
Building Relationships
First BE INTERESTED in building relationships.
TALK to people and then find your common ground.
You can try their INTERESTS too and offer help always.
The way to connect with people is by connecting with their hearts, so show them how much you CARE.
And be TRUE to yourself, it is better for people to hate for what you are than love you for what you are not.
Ipaalam sa mga taong mahal mo na mahal mo sila. Sulitin ang bawat araw na binibigay sa iyo ng Panginoong Diyos. Maging biyaya ka sa mga taong nakakasama mo. Makuntento sa kung anong meron ka ngunit hindi rin naman titigil na mangarap.
Kaya mo iyan! At kung hanggang dun na lang ang abot ng isip at puso mo. May Panginoong Diyos naman na magdudugtong ng lahat ng katangian na kailangan mo para makapagpatuloy pa. Siya rin ang magtatama ng lahat kung nagkamali ka. Siya rin ang magmamahal sa iyo basta magtiwala ka lang sa KANIYA.
Self Love
Ikaw na laging nagpaparaya
Ikaw na laging nagbibigay
Ikaw na hindi gagawin ang best para ang iba ang maging best
Maaari kang mabuting anak, kaibigan, asawa at iba pa na hindi mo kailangang kalimutan ang sarili mo. Maaari mong gawin ang lahat ng bagay na iyong gugustuhin basta't walang nalalabag sa mga aral ng Diyos. Alam mo, alam mo na iyan eh,
Be the best that you can be. Go for your goals! Believe in yourself and believe that God believes in You!
Kumpiyansa sa Sarili
Sino ba ang hindi natatalo?
Sino ba ang walang problema?
Lahat may pinagdaraanan, lahat may binubuhat na suliranin sa kaniyang buhay.
Kung minsan pa nga darating ka sa pagkakataon na sa lahat ng aspeto ng buhay mo eh nagFAIL ka.
Darating yung time na sasabihin mong ayaw mo na at tamad na tamad ka na mabuhay pa.
Yung katiting na pag-asa na nasa iyo ay nilisan ka na.
Pero may maliit na tinig na nasa isip mo na nagsasabi na lumaban ka pa. Kaya sinikap mo ulit bumangon gamit ang natitirang lakas mo. Nanalangin ka at sinabi sa Ama lahat lahat ng nararamdaman mo. Yung galit, yung inis, yung sakit, yung lungkot at lahat na. Sumigaw ka na "pahingi pa po ng lakas Ama, tulungan mo ako.. Saklolo.."
Nakita ka ng pamilya mo at doon sinabi mo yung problema mo. Ito yung unang pagkakataong narinig ka nilang magsabi ng saloobin mo. Unang pagkakataon na nakita ka nilang umiyak ng todo. Pinayuhan ka nila kaya narealize mo na hindi ka pala nag-iisa.
Nakasama mo ang mga kaibigan mo, sumaya ka, puwede ka pa pala tumawa. Mas magaan pala kapag nailalabas mo yung nararamdaman at mas may magandang maipapayo sila na nakapagpapalinaw ng isip mo.
Doon mo natutunan na humingi ng tulong. Huwag kimkimin ang nararamdaman Natutunan mong walang mapapala kung patuloy na pagdududahan ang sarili. Doon mo natutunan na patawarin ang sarili sa lahat ng pagkakamali at tanggapin na ang mundo ay hindi talaga fair kaya deal with it! Kaya Move on! Move forward!
At kahit anong mangyari alam mong hinding-hindi ka iiwan ng Panginoong Diyos.
CHAPTER 2
KOLEKSIYON NG MGA SULAT AT MAIIKLING TULA
INALALA. INAKMA. PATAMA
REYALIDAD
Heto ako nakatanaw sa malayo
Nag-iisip ng mga linyang matatamis para sabihin sa iyo
Nangangarap ng mga magagandang lugar kung saan tayo tutungo
Para doon kantahin ang mga awiting alay ko sa iyo.
Nasasabik na ako sa mga patawa mong bibitawan,
Nasasabik sa puyatang txts at tawagan
At nasasabik sa mga di matapos-tapos na bangayan
Bakit kaya ang tagal tagal mo pang dumating??.. Nauubos na ang pahina ng aking diary sa kakasulat ng ating mga gagawin
Alam mo..
Ikaw na lang ang kulang, nasaan ka na ba?
Masayang isipin ang mga ganitong bagay na nakapagpapakilig ng damdamin at dinadala ako kung saan ng aking pagiging mapangarapin.
Ngunit kasabay ng pagsara ko sa aking diary ay gayundin ang suntok ng realidad na ako ay naghihintay pa rin.
Reyalidad!….na lahat pala ng sinabi ko sa umpisa, ay pangarap lang pala.
Realidad! na nakakalungkot na rin sa pagiging mag-isa…ngunit sa mga sitwasyong yon ipinadarama ng Diyos, na SIYA ang lagi kong kasama.
Reyalidad! masakit na rin pala at mahapdi na ang mata ko sa kahihintay.. pero sinasalo ako ng AMA para hindi tuluyang malugmok at manghina.
Reyalidad! na minsan akala mo yun na pero hindi nanaman pala at mabibigo ako.. pero pagsubok lang yon para maalala ko na kailangan ko lagi ang tulong MO.
Reyalidad! na hindi lahat ng gusto ko ang ibibigay.. dahil ang ibibigay ay ang taong mas ilalapit ako sa Kaniya.
Reyalidad! na gusto ko na lang sumuko at manghina, Ngunit sa mga pagsamba ipinaalala na sa AMA maglagak ng buong pagtitiwala.
Reyalidad! na ang mga pangarap ko na isinulat sa umpisa, hindi imposibleng tuparin lahat ng ating Ama.
Kaya sa AMA hindi ako magsasawang tumawag at magtiwala,
Siya ang magbibigay sa akin ng mabuting kasama
Hindi ako mapapagod sa aking mga pagpapanata
Dahil batid ko na sa tamang panahon ako’y diringgin Niya
At kapag dumating na ang panahong iyon,
Napakasarap tanggapin ang isang regalong sa KANIYA mismo nanggaling.
LIHAM
Mahal ko,
Kung isang araw makita mong tahimik ako at ayaw makipagusap..Wag mong isiping di na kita mahal.. mahal kita..baka may iniisip lang ako na hindi ko maaaring ibahagi sa iyo.. Kung bigla akong nagalit sa iyo.. bigla kitang nataasan ng boses.. patawarin mo ako.. baka sobrang napapagod lang ako sa buhay na ito at di ko na kaya,kaya napasigaw ako.. Patawarin mo ako mahal.. Kung minsan makakabasag ako ng pinggan, makakasunog ng damit sa pagpaplantsa.. makakapagluto ng walang lasa.. huwag ka sanang madismaya sa akin.. pasensiya ka na… pero maniwala ka ginagawa ko ang lahat para gawin ang lahat ng iyon para sa iyo.. Kaya
pasensiya ka na. Kung minsan naguguluhan ako, nalilito at di ko alam ang isasagot sa tanong mo .. hayaan mo muna akong makapag-isip.. huwag mo ako iiwan ah.. dahil sa pagtahimik kong iyon, dun ko mas kailangan ang pang-unawa mo.. Kung isang araw nakakapagod ka ng intindihin ako at pagpasensiyahan..
huwag mo sana akong iwan.. alalahanin mo na lamang ang masasaya nating mga araw.. tignan mo na lamang ang pinakaiingatan nating larawan.. at pagmasdan mo na lamang ang ating mga anak..para sa pagkakataong nagsasawa ka na.. maaalala mo na marami na tayong pinagsamahan, isinakripisyo at kinaya dahil sa pagmamahal natin sa isa't isa. Kung ikaw naman ay magkamali, kung ikaw naman ang may di nagawang mabuti..pangako di kita iiwan dahil ang pagmamahal ko sa iyo hindi lang sa kapag may tamang kang ginagagawa kundi sakop nito maging ang kakulangan at kapintasan mo.. Mahal na mahal kasi kita..
Kung isang araw mararamdaman kong di mo na ako mahal gaya ng dati..Mananatili ako sa iyo kasi nangako ako sa AMA na mamahalin ka hanggang sa huling sandali ng buhay ko.. Kung may makita kang iba na mas ok, na mas kasundo mo, na mas masaya kasama o mas maganda.. wag ka nawang patukso mahal ko..
Kakapit ka sa AMA mahal ko.. at laging tandaan na ang pinapagsama ng Diyos ay huwag papaghiwalayin ng sinomang tao. Bago ko tapusin ang sulat kong ito, nais kong sabihin sa iyo na tunay ngang iniibig ako ng Diyos..dahil ibinigay Niya sa akin ang isang tulad mo.. matagal kitang hinintay at pinagpanata sa Kaniya.. at sulit na sulit ang lahat ng sakit, lahat ng kabiguan, lahat ng napagdaanan ko habang hinihintay ka .. kasi mas naging mabuti akong anak ng ating AMA at sa pagdating mo sa buhay ko alam kong mas magiging mabuti akong tao dahil ikaw ang makakasama ko sa paglilingkod sa Diyos hanggang sa wakas.
NAY…TAY…
Nay, tay, mama, papa, dad, mom, .. Thank you po sa lahat ah, hindi po kami showy sa nararamdaman namin, minsan nahihiya kami mag-i love you, nahihiya kami magsabi sa inyo na ingat palagi, pero sa puso namin mahal na mahal po namin kayo. Hindi po matutumbasan ang ng kahit anoman ang paghihirap at sakripisyo po ninyo para sa amin, pasensya na po sa aming mga pagkakamali, sa katigasan ng ulo, sa pagiging immature, kami po ang unang nakokonsensiya at nababagabag sa mga pinaggagawa namin..
SORRY po.. alam po namin na nagbibigay kami ng hapis sa inyo, pagpasensyahan niyo na po kami dahil kami din po naiinis sa aming sarili kasi di namin maintindihan ang nangyayari sa amin, ang daming tanong, ang daming nakakagulo pero salamat sa DIYOS kasi nariyan po kayo at
nagtitiyaga sa amin, kaya unti-unti natututo kami kung paano mamuhay.
Salamat po sa pag-aasikaso sa amin bawat araw, pagkagising kahit di pa kayo naghihilamos, pagkain na namin ang inaasikaso ninyo minsan kahit pagod na pagod na kayo sa pagtatrabaho nagtitiis po kayo para sa kinabukasan namin, lagi niyo pong inuuna kapakanan namin kaysa sa inyong sarili,.. Salamat po..
May sikreto po kami na mga anak, alam niyo po na na takot na takot po kami na mawala kayo sa amin, takot na takot po kami na iwan niyo kami balang- araw kasi.. kayo po ang pundasyon namin, kayo po ilaw at haligi namin.. Kayo po ang natitirang nariyan pag iniwan na kami ng lahat. Pag nakikita namin kayo nagkakaroon kami ng pag-asa na magiging ok ang lahat kasi nariyan kayo.
Kaya lagi kami nakikiusap sa Ama, nagsusumamo sa KANIYA na sana palawigin pa po ang inyong buhay, na lagi po kayo ilayo sa masasamang sakit at masasamang tao. Na gawin
po kaming mabuting anak para kahit na bahagya malagyan po namin ng ngiti ang inyo pong mukha na habambuhay naming maaalala... MAHAL NA MAHAL PO NAMIN KAYO!
SALAMAT PO NANAY AT TATAY!
Darating din siya Darating din siya yung magbubuhos sa iyo ng kaniyang buong atensiyon Hindi mo na kailangang magbilang ng maraming oras Hindi ka niya paghihintayin dahil excited siya na ikaw ay kausapin Sa umaga, siya ang unang bubungad sa iyo at sa gabi siya ang huling kasama mo Darating din siya Magtiwala ka lang Huwag mong isiping hindi, deserve mo na ikaw ay mahalin.
Worth it pa ba?
Worth it pa ba na ikaw ay hintayin ilang oras na akong nagaapuhap sa txt at tawag na hindi dumarating Ano ba ito? test? o rejection? sana sabihin mo na lang kasi buong araw na akong nag-iisip Nakukwestiyon ko na ang aking sarili Sobra lang ba ako magmahal? o isa na naman itongkahibangan na dapat ko nang tigilan. Worth it pa ba?
Naulit muli, mauulit pa
Naulit na naman na ako'y masaktan
maiwan o di kaya matanggihan
naulit muli na ako'y nagmahal
nang ganun kadali ganun din kadali nasaktan
madali kasi sa akin ang magmahal
magbigay ng malasakit o kaya ng kabaitan
kaya nagtataka ako sa mga taong minahal ko
hindi ba nila makita ang kahalagahan ko?
pero isa lamang ang sigurado, hindi pa siya kaya ito naglaho
naulit muli na ako'y masaktan
alam kong mauulit pa
pero hindi mawawalan ng pag-asa
KAPE Para kang kape, minsan darating ng mainit minsan malamig minsan ikaw ay malambing kadalasan di ako pinapansin Minsan ikaw ay napaka kulit kadalasan naman ay matamlay
minsan gusto mo ako kausap sa malimit na pagkakataon ayaw mo namang humarap Mainit, malamig sabihin na sana ang totoong damdamin nang ako ay malinawan nang malaman na ang susunod na gagawin
Natutunang ganun pala kasakit sa pakiramdam kapag sasabihin mon magbabago ka na pero hindi pa rin pala yun pala yung pakiramdam pag may biniigo ka na sasabihin mong mahal mo siya pero di naman kalakip ang gawa Ganun pala kasakit sa pakiramdam na napakalaki ng kaya mong gawin para sa kaniya ngunit hindi niya ito mapantayan pero dapat bang sumbatan at sisihin mo siya?
o tatanggapin kung ano lang at kaya niyang ibigay?
Hindi ka bibitawan Hindi bibitaw hindi susuko maghihintay magmamahal pa rin sa iyo Gaano ka man kalayo gaano man katagal Ikaw lang.ikaw lang ang pipiliin ko Magkakasama rin tayo mahirap man at matagal wala namang imposible sa pusong nagmamahalan
Ibinigay ang mga katangiang iyong hinihiling
Mga kagustuhang matagal na matagal mo nang ipinaglalambing ngunit sa bandang gitna naguluhan kang muli pinili nanaman ang isinisigaw ng damdamin muling ipinilit ang bagay na hindi mangyayari kaya nasasakta ka at naghihintay muli Pero gumising ka sa kalituhan mong iyan napag-aralang basahin ang pangyayari sa buhay nariyan na siya matagal na matagal na hayaan mo lang sanang tumalab ang pag-ibig niya nanriyan siya mahal ka na niya dati pa kailangan mo lang subukang pansinin na siya.
CHAPTER THREE
MALALIM. HUGOT NG PUSO.
NANG PAG-ARALAN KONG KALIMUTAN KA
Noong simulan kong pag-aralan na kalimutan ka
Sinasabi ko sa iyo,..ang dami kong luha,
hindi madali gawin yun..sa una hindi ko kaya
Masakit kalimutan ang taong mahal mo..
Parang unti unting gumuguho ang mundo mo pinipira piraso ito hanggang sa maging abo..
PERO anong magagawa ko may mahal KA na at hindi ako,
kailangan kang kalimutan kasi sa kaniya ka masaya..
at kahit masakit ay kakalimutan na talaga kita
kasi gusto ko hayaan ka kung saan ka mas liligaya
Ganun naman di ba ang tunay na nagmamahal? Matatapang.
Lahat ng bagay kayang-kaya nating gawin para sa minamahal,
matapang kasi ang mahal mo ay iyong ipinaglalaban
matapang kasi mahal mo ay kaya mo ring pakawalan.
Sa AMA ay humingi ako ng saklolo,
sabi ko sa panalangin,
Nanalangin akong walang tigil
kasabay ng walang tigil na pagpatak ng luha ko at humiling na sana malagpasan na ang sakit na ito
At nagmakaawa na sana Ama saluhin mo po muli ako
Napatunayan kong Siya ang tunay na umiibig
Hindi siya nang-iiwan,siya ang ating kakampi
Kaya kung may inalis man Siya sa mga buhay natin
May ipinapalit naman na mas makabubuti sa atin.
Lahat nga ng mga bagay na nangyayari ay may dahilan
Kaya sa Panginoong Diyos laging humingi ng patnubay
Siya ang magbibigay sa atin ng mabuting kapalaran
Magsumiksik sa Kaniya, pananalangin huwag pagsasawaan.
Bawat karanasan na pagdaraanan laging may mga aral na matututuhan
Kailangan talagang masaktan para ikaw ay tumatag pa
At tinuturuan ka na magtiwala pa…
Ito nga lahat ang mga natutunan ko…
nang pag-aralan kong kalimutan ka.
Ipinapanalangin kita
Ipinanalangin kita noon,
Na nawa ay makilala kita sa tamang panahon
Kapag nagkita tayo, maramdaman mong ako yung para sa iyo
At mapatunayang ikaw ang sagot sa mga panalangin ko.
Ipinapanalangin kita lagi,
Na nawa ay ikaw na ang mabuting lalaki na magmamahal at magrerespeto sa akin
At sa Iglesia, hindi tayo kailanman magtataksil.
Ipinanalangin pa rin kita hanggang ngayon,
Kahit hindi tayo nagkakatagpo pa sa hanggang sa ngayon
Panatag pa rin akong makikilala kita
Sa panahong itinakda ng ating Ama.
Ang Panginoong Diyos ang gagawa ng hakbang para tayo magkasama,
Kaya ipinapanalangin pa rin kita, di mawawalan ng pag-asa.
PANGAKO
Sa buhay na ito'y hindi maiiwasang makasagupa ng hadlang
Hindi maiiwasang makaranas ng iba't ibang kahirapan
Hindi maaaring sa buhay na ito ay walang haharaping tiisin
Dadaan at dadaan tayo sa iba't ibang klaseng suliranin
Sa mga sandaling iyon ay iyong alalahanin
Ang tapat na pangako ng Panginoong Diyos sa atin
Huwag kang matakot, sa Kaniya ay taimtim na dumaing
Pagkat Siya'y nangako, tayo ay Kaniyang diringgin
Pangako na tayo ay hindi Niya pababayaan
Sasamahan sa mga suliranin para ito ay malagpasan
Pangako na tayo ay Kaniyang aalagaan
Aaaliwin sa mga panahon na tayo ay nahihirapan
Pangako na tayo ay Kaniyang pakikinggan
Sa paghingi ng saklolo tayo ay Kaniyang puprotektahan
Wala tayong puwedeng idahilan para sabihing
hindi na natin kaya ang problema,
Wala tayong puwedeng idahilan para
sumuko at mawalan na ng pag-asa
At wala tayong puwedeng idahilan
Para hindi na lumaban
Pagkat ibibigay Niya sa iyo ang hindi makakayang
makubkob na kalakasan
Totoo ang Diyos natin wala Siyang hindi magagawa
Hindi imposible na alisin, ang lahat ng iyong dinadala
Magpakatapat lamang at magpatuloy sa mga pagsamba
At doon Niya ibubuhos, ang lahat Niyang pagpapala
Huwag hahayaang sa mga pagsubok na ikaw ay matalo
Huwag hahayaang sa paglilingkod ikaw ay malayo
Ipakipaglaban ng lubos at pakaingatan ang iyong kahalalan
Upang iyong makamtan ang kaligtasang pangako
Kaunting tiis pa aking mahal na kapatid
Kahit masakit na masakit na, kapit ka lang lang ng mahigpit
Kahit pagal na pilitin pang makatawid sa lahat mong suliranin
Pagdating ng paghuhukom, sa Bayang Banal ikaw ay dadalhin.
KUMBINSIDO
Nahihirapan ka na ba? Napakabigat na ba ng tinitiis mo? Ilang luha na ba ang pumatak mula sa mga mata mo? Ikaw at ang problema hindi na yata talaga magkakahiwalay, pagkagising mo siya na ang kasama sa buhay.
Ikaw at ang problema matagal na ring magkasama, minsan magaan, minsan mabigat siya. Lumilisan panandalian ng walang paalam, pero babalik din naman agad na ikagugulat mo.
Kaya minsan umiiyak ka na sa isang sulok ng kwarto mo, nakikiusap sa problema na sana siya na ay lumayo. Nakikiusap ang pagod nang isip at puso dahil hindi na kasi alam ang gagawin para maresolba ang suliraning sa iyo humamon.
Sa mga kaibigan bumaling nanghihingi ng solusyon, sa mga kakilala sa kanila humihingi ng payo, sa nakatatanda o sa sinumang inaakalang magaling na tao, ngunit iyong napagtanto na sa Ama lamang humingi ng saklolo, siya lamang ang tanging solusiyon para ang problema ay malagpasan mo.
Nabatid na sa mga pagtupad ikaw ay sumasaya, sa mga pagsamba ay nakakahugot ng lakas at pag-asa. Kaya napagpasiyahan na sa Ama ay patuloy na tatawag, pagkat siya ang magpapagaan ng pusong naghihingalo na.
Sa Panginoong Diyos iiyak ng matinding matindi dahil alam mong pagkatapos noon magaan na ang damdamin, na kung iisipin napakabibigat ng mga pasanin ngunit dahil sa tulong at awa Niya nalalagpasan pa rin.
Sa kakulitan ng problema na bumabalik-balik pa rin, sa ating Ama muli lalapit at ikaw ay Kaniyang
sasagipin. Hindi pumapayag ang Diyos na mag-isa mong harapin ang problema, sinasamahan ka at ginagabayan itinituro Niya ang daan para ito ay malagpasan.
Sa mga problemang dumating natuto tayong magtiwala sa Diyos kaya pagpasalamat ang mga problema, kahirapan at iba pang uri nito kasi kung wala ang mga ito baka isipin nating kakayanin nating mag-isa at magagaling tayo.
Ang problema ang naging daan upang sa mga salita ng Diyos lamang manalig, manatiling matatag at matapang anuman ang dumating. Ang problema ang naging daan upang maging matiisin at mapagpakumbaba. Kaya kumbinsido kami, susunod kami sa Panginoong Diyos anupaman ang kaharapin!
SUSUNOD AKO
Kakayanin ko po ba? Ito yung tinatanong ko sa sarili ko kapag nakakaramdam ng bigat ng pagpasan sa buhay
Kakayanin ko pa ba? ngumiti at tumawa, magpanggap na okay lang ngunit sa katotohanan ay nanglulumo na
Kakayanin ko pa ba? ang dami ng saksak ng katotohanang lahat sila ay nang-iwan na
Kakayanin ko pa ba ?ang suntok ng karahasan at ang hagupit ng problema
Kakayanin ko pa ba? Maatim ang lahat ng ito?
Bakit ganoon? sugatan ka na nga at naghihingalo
Sugat mo pa ay sisipain at tatapakan ng todo-todo?
Bakit kaya ganoon? Sinaktan ka na nga, uulitin pa ..
Walang konsiyensiya, Hindi na naawa!
Pero gumagapang man at sugatan pagsamba pa rin ay tinungo
Upang maunawaan bakit may mga bagay na ganito sa mundo
Ano bang dapat gawin bilang Kristiyanong tunay at totoo?
Para makapanatili sa kahalalan, gaano man kabigat ang dinadala ko
Sa pagsamba itinuro
na susunod pa rin sa lahat ng tuntunin, laging magpapakatatag at iiwas sa mga masasamang gawain,
susunod kahit maraming problema, sa Ama magsusumiksik dahil SIYA ang sagot sa lahat ng pag-aalala,
susunod sa tama anuman ang pag-uusig, aral NIYA ay hindi kakalimutan kahit saan ito ay dadalhin,
Dahil ang sumusunod ay ang lubos na nagtitiwala,
Siyang nagtitiwala ay ang masikap na naghihintay sa tulong ng AMA
Siyang naghihintay ay yaong matatag at di nawawalan ng pag-asa
At ang di nawawalan ng pag-asa ay ang sasagipin at makakaranas ng mapagkandiling
pagmahahal ng ating AMA.
PANATAG
Sa aking buhay kailangang may gabay
Kaya bago magdesisiyon ang panata ang kaagapay
Bawat hakbang akin itong isinasangguni
Sa ating Ama na mapagmahal at mabuti
Bawat plano ay sinasabi ko sa Kaniya
Bawat nilalaman ng puso sa Kaniya isinusumbong
Bawat gagawin sa Kaniya inilalapit
Mapayapa ang aking isip at damdamin
Laging nasa aral bawat kong gagawin
Panatag ako na ako ay diringgin
Basta’t sumusunod sa utos, nagtitiwalang mahigpit
Comments
Post a Comment